Worst case scenario sa bagyong Bising, pinaghahandaan na Rin – NDRRMC
Patuloy na nararanasan ang bagyong Bising sa Bicol region, eastern Visayas at bahagi ng Mindanao.
Ayon sa PAGASA, nananatiling mabagal pa rin ang pagkilos nito at inàasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility sa Linggo.
Sa panig Ng National Disaster Risk Reduction Management Council o NDRRMC may mga paghahanda ng isinàsagawa ang mga LGU sa rehiyon Ng Cagayan, Cordillera, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Region 1 at NCR, sakaling maglandfall man ang bagyong Bising .
Mahalaga anilang maisagawa ang preemptive evacuation , bagaman mas mainam kung hindi na mag U- turn ang bagyo.
Sinabi ni Mark Timbal, spokesperson ng NDRRMC , sa ngayon ay may 68,490 individuals o katumbas na 18,467 families na inilikas sa Regions 5 and 8.
On – going pa rin ang assessment sa regional level lalo na sa mga lugar na dinaanan ng bagyo at posibleng sa araw na ito o sa darating na mga araw ay magkaroon na sila ng report ukol sa lawak ng pinsalang idinulot nito.
Julie Fernando