Vaccination sa senior citizens sa Tarlac City sinimulan na
Nagsimula na ang vaccine rollout para sa senior citizens ng Tarlac City.
Sa programang ito ng Dept. of Health (DOH), ay higit-kumulang 300 senior citizens ang nabakunahan gamit ang Sinovac vaccine mula sa China.
Ang mga ito ay mula sa Barangay Sto. Cristo, Mabini, Cut-Cut Primero, Poblacion at Barangay San Juan Bautista.
Sa pangunguna ni Mayor Cristy Angeles, ay tiniyak ng pamahalaang panglungsod, ang kaligtasan at kapakanan ng mga lolo at lola na kabilang sa priority group A, na nabakunahan sa ilalim ng National Immunization Program ng gobyerno.
Mahigpit ang pagmomonitor ng health workers, nurses at mga doktor mula sa City Health Office gayundin ang pagpapatupad ng health and safety protocols sa lugar na pinagdausan ng pagbabakuna.
Tuloy-tuloy na isasagawa ang pagbabakuna sa mga seior citizens, batay sa ibinigay na schedule sa bawat barangay ng syudad.
Sa kabuuan ay naging matagumpay ang pagsisimula ng pagbabakuna sa mga nakatatanda ng Tarlac City, dahil na rin sa organisado, mabilis, maayos, at mahuhusay ang mga nanguna sa isinagawang pagbakuna.
Ulat ni Dan Ocampo