Mga eskwelahan hindi dapat gamiting COVID facility
Umapila si Senador Sherwin Gatchalian sa Malakanyang na dagdagan ang mga quarantine facilities para sa mga biktima ng COVID- 19.
Itoy para hindi nagagamit bilang mga isolation facility ang mga pampublikong eskwelahan.
Iginiit ng Senador na Chairman ng Senate Committee on Basic Education na hindi maaring gawing pangmatagalan ang paggamit ng mga classroom bilang isolation o kayay evacuation center kapag may kalamidad.
Maari kasi itong makaantala sakaling buksan na ang klase sa ilalim ng new normal set up.
Hindi naman aniya ito maaring gamiting quarantine facility dahil kulang ito sa mga pasilidad para makagamot ng mga pasyente.
Sa kasakuyang datos aniya aabot sa mahigit isang libong public school sa buong bansa ang ginagamit bilang COVID facility.
May nakahain nang panukalang batas si Gatchalian na layong magpatayo ng isang evacuation center sa bawat syudad at munisipalidad na magagamit bilang evacuation center sa panahon ng kalamidad o health emergency.
Statement Senator Sherwin Gatchalian
(Ang mabilis na pagpapatayo ng mga field hospitals at mga quarantine centers ang isang paraan upang mabigyan natin ng agarang atensyon ang mga kababayan nating nagkakasakit. Imbes na masanay tayong gumamit ng mga paaralan bilang isolation facilities o evacuation centers, ang dapat nating tiyakin ay ang pagkakaroon ng sapat at angkop na mga pasilidad para sa mga nangangailan ng tulong medikal).
Meanne Corvera