Senior citizens at may comorbidities sa Malolos binakunahan na
Binakunahan na laban sa COVID-19, ang senior citizens at may comorbidities sa Hiyas Convention Center, AT Malolos Convention Center sa Malolos, Bulacan.
Pangunahin sa mga binakunahan ay ang mga empleyado ng local government units (LGUs), kasama ang mga guro at mga kawani ng Bulacan State University o BulSU at Bulacan Polytechnic College o BPC.
Ayon sa Provincial Health Office ng Bulacan ang mga binakunahan sa Hiyas Convention Center ay provincial government employees at front liners, habang sa Malolos Convention Center naman binakunahan ang mga taga Malolos City.
Anim na hakbang ang kailangang pagdaanan ng isang magpapabakuna. Una ay ang pagsagot niya sa form na ibibigay sa kaniya habang siya ay nasa waiting area.
Pagkatapos ay ipakikita nya ito sa registration area. Susunod ang counselling, kung saan ipaliliwanag sa babakunahan ang layunin at maaaring maging epekto ng bakuna. Ika-apat ay ang screening. Dito ay aalamin ang blood pressure at iba pang kalagayan upang malaman kung pwede na siyang bakunahan.
Sakaling mataas ang presyon ay may nakalaang lugar, kung saan sila mananatili muna upang mamonitor hanggang sa maging normal ang bp.
Kasunod na nito ang pagbabakuna. Ang huling hakbang ay mananatili ang binakunahan sa observation area ng kalahati hanggang 1 oras upang mamonitor ang magiging epekto ng bakuna.
Dahil nasa ilalim pa rin ng Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ ang Bulacan, kaya mahigpit na sinusunod ang safety health protocols sa pagsasagawa ng aktibidad na ito
Ulat ni Dhen Mauricio Clacio