Ilang Home Remedies upang lunasan ang maraming uri ng sakit
Mahal ang gamot at pagpapagamot lalung-lalo na ngayong nararanasan pa rin ang Pandemya na dulot ng Covid-19.
Ibat ibang paraan ang ginagawa ng marami nating mga kababayan upang lunasan ang nararamdamang mga uri ng sakit.
Kaugnay nito, ang Healthcare teams @ CureJoy, isang online health at wellness advice platform ay nagbibigay ng payo gamit ang proven alternative medicine sa layuning kahit paano ay malunasan ang taglay na karamdaman.
Batay sa kanilang pag-aaral, nakalulunas sa stomach at gastric problems ang pagkain ng kapirasong bawang at pag-inom ng tubig nang walang laman ang tiyan.
Kung nakararanas naman ng migraine, makatutulong ang pagkain ng mansanas sa umaga nang wala pang laman ang tiyan.
Ang pinaghalo namang dalawang kutsaritang honey na may dalawa ring kutsaritang ginger juice ay may malaking maitutulong upang lunasan ang dry cough, common colds at pananakit ng lalamunan.
Dahil tag-init, maraming mga kababayan natin ang nakararanas ng headache.
Makatutulong ang pag-inom ng watermelon juice.
Kung nararanasan naman ang sore throat, ang best natural remedy umano ay magmumog ng turmeric at asin.
Belle Surara