Victor Wood (1946-2021): “Jukebox King”
Pumanaw ngayong araw, Abril 23, 2021 ang legendary OPM icon na si Victor Wood, ang tinaguriang “Jukebox King” ng Pilipinas, sa edad na 75 dahil sa sakit na pneumonia.
Ipinanganak noong Pebrero 1,1946 sa Buhi , Camarines Sur, sumikat siya at tuluyang naging “Jukebox King” dahil sa mga awiting “Im Sorry My Love”, at sa kanyang mga song cover ng Mr.Lonely, Eternally, at Sweet Caroline na mas naging tanyag sa bansa dahil sa kanyang sariling version, kaysa sa mga orihinal na singer nito.
Sa mga huling taon ng kanyang career, si Victor Wood ay nagkaroon ng programa sa Radyo Agila DZEC 1062Khz na pinamagatang”Victor Wood by Request.”
Bukod sa pag-awit, libangan rin niya ang pagpipinta.
Bago ang kanyang pagpanaw, nasa mga huling bahagi na ang ginagawang pelikula ng EBC Films tungkol sa kanyang talambuhay na pinamagatang: JUKEBOX KING: THE LIFE STORY OF VICTOR WOOD.
Marie Ochoa