60 Pamilya, naapektuhan ng sunog sa Brgy. Pag-Asa, QC
Aaabot sa 60 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos sumiklab ang malaking sunog sa Barangay Bagong Pag-Asa, Quezon City noong Sabado.
Umabot pa sa ikatlong alarma dahil mabilis kumalat ang apoy sa mga residential area na gawa lamang sa light materials.
Batay sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), ang sunog ay nagsimula sa ikalawang palapag ng bahay ng isang Charlie Dacuyan.
Dalawa katao rin ang nasugatan habang tumutulong sa pag-apula ng apoy ngunit nabigyan na ng kaukulang medikasyon.
Alas-7:40 ng gabi nang maideklarang fire-out na ang sunog na tumagal ng mahigit isang oras.
Tinatayang nasa 75,000 pisong halaga ng mg ari-arian ang natupok ng apoy at nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa naging sanhi ng sunog.
Pansamantalang nanunuluyan ang mga pamilyang nasunugan sa Bagong Pag-Asa Elementary School at binisita na ni Mayor Joy Belmonte ang mga apektadong pamilya kahapon at binigyan ng tulong.
Ian Jasper Eleazar, EBC Correspondent