Aktibong kaso ng COVID-19 sa CALABARZON, umakyat sa mahigit 25,000
Lagpas na sa 25,000 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa CALABARZON.
Ito ay makaraang madagdagan ng 1,246 na bagong nahawahan ng virus sa rehiyon batay sa pinakahuling tala ng DOH Center for Health Development- CALABARZON.
Ang Cavite ang may pinakamaraming active cases na mahigit 9,000 at sumunod ang Laguna na nasa 5,900.
Nadagdagan naman ng bagong recoveries ang Region IV-A na 466 kaya 97,620 na ang gumaling na COVID patients.
Nasa 3,300 naman ang pumanaw dahil sa sakit.
Sa kabuuan ay 126,276 ang kumpirmadong kaso ng COVID sa CALABARZON mula noong nakaraang taon.
Moira Encina
Please follow and like us: