Hong Kong at Singapore target simulan ang travel bubble sa Mayo

Hong Kong and Singapore have strict coronavirus quarantine rules for arrivals, but the restrictions have battered travel, tourism and the wider economy Anthony WALLACE AFP/File

Inanunsyo ng Hong Kong at Singapore ang plano nilang buhayin sa May 26 ang hindi na itinuloy na coronavirus travel bubble, kung saan ang flights ay magpapalitan lamang sa pagitan ng dalawang nabanggit na bansa.


Kinailangang abandonahin ng dalawang business hubs ang lubhang inaasahang quarantine-free travel corridor sa hulung bahagi ng nakalipas na taon, matapos tamaan ang Hong Kong ng fourth wave ng infections.


Simula May 26, isang flight kada araw lulan ang hanggang 200 pasahero ang magpapalitan sa pagitan ng dalawang syudad.


Ang Cathay Pacific at Singapore Airlines ay magsi-share ng ruta na may dalawang flights kada araw, mula June 10.
Ang mga taga Hong Kong na patungo ng Singapore ay kailangang bigyan ng dalawang doses ng Pfizer-BioNTech o kaya Sinovac vaccines.


Isa na rin itong uri ng estratehiya para himuking magpabakuna ang mga taga Hong Kong, na hanggang ngayon ay 11% pa lamang ang nababakunahan sa kabila ng may sapat namang suplay.


Samantala ang mga Singaporean naman ay hindi na kailangang magpabakuna, subalit dapat ay magnegatibo sila sa test bago umalis ng kanilang bansa at pagdating sa Hong Kong.


Matatandaan na ang Hong Kong at Singapore ay kapwa nagpatupad ng mahigpit na quarantine rules sa lahat ng dumarating sa kanilang bansa, isang hakbang kung bakit mababa ang kanilang infection rate. Subalit ang restriksyon ay sumira sa kanilang turismo at nakaapekto sa ekonomiya.


Ang ang travel bubble ng Hong Kong at Singapore, ay depende kung mapananatili ng magkabilang panig ang halos pagiging COVID-19 free sa mga susunod pang buwan.
Sumang-ayon ang dalawang bansa na ang bubble ay sususpendihin ng dalawang linggo, kapag ang arawang bilang ng untraceable infections sa isang linggo ay umabot higit lima sa alinman sa dalawang syudad.


© Agence France-Presse

Please follow and like us: