Oral arguments sa Anti- Terror law petitions, itutuloy ngayong araw sa pamamagitan ng videoconferencing
Ipagpapatuloy ngayong Martes, Abril 27 ang oral arguments sa mga petisyon na humihiling na ipawalang-bisa ang Anti- Terrorism law.
Sa unang pagkakataon ay isasagawa ng Korte Suprema ang oral arguments sa pamamagitan ng videoconferencing bilang pag-iingat sa COVID-19.
Gagamitin ng Supreme Court ang Zoom platform para sa proceedings.
Bukod sa mga justices, limitado ang access sa Zoom sa tatlong abogado kada petisyon at pitong abogado para sa Office of the Solicitor General.
Ang panig na ng OSG ang nakatakdang maglatag ng kanilang argumento at sumalang sa interperlasyon ng mga mahistrado.
Maaaring mapakinggan ng publiko ang live audiostreaming ng oral arguments sa Youtube channel ng SC Public Information Office.
Ilang beses naantala ang ika-limang araw ng oral arguments dahil sa paglobo ng kaso ng COVID sa bansa at pagsailalim sa quarantine ng ilang kawani at mahistrado.
Moira Encina