Resolusyon para parusahan si Lt, General Antonio Parlade, pirmado na ng labinlimang Senador
Labinlimang Senador na ang lumagda sa resolusyon na humihiling na patawan ng parusa si Lt. General Antonio Parlade dahil sa mga mapanirang pahayag at pagtawag na stupid sa mga Senador.
Sa Senate Resolution 79 na inakda nina Senate Minority Leader Franklin Drilon, Vicente Sotto at labintatlong iba pa, sinabi ng mga mambabatas na pag – atake sa Senado bilang institusyon ang ginawang pambabastos ni Parlade.
Sa halip raw na Constructive debate, mas pinili ni Parlade na bastusin ang mga mambabatas matapos kwestyunin ang budet ng National Task Force against local communists o NTF ELCAC.
Pinuna rin sa resolusyon ang walang habas na pagdawit ni Parlade sa mga sibilyan na nasa likod ng communitY pantry sa mga komunistang grupo na layon lang naman ay makatulong sa mga apektado ng pandemya.
Si parlade ay pinatawan na ng gag order pero nais ng mga Senador ang mas mabigat na parusa laban dito kasama na ang pagkakatanggal sa kaniya bilang tagapagsalita ng NTF ELCAC.
Dahil nakabakasyon pa ang Kongreso, inaasahang ma a adopt ang resolusyon sa pagbabalik ng sesyon sa May 17.
Meanne Corvera