Kaso ng Diabetes sa gitna ng pandemya, tumataas pa rin ayon sa eksperto
Maraming tao pa rin ang may diabetes sa gitna ng nararanasang pandemya.
Ayon sa World Health Organization o WHO, mahigit sa apat na raang milyong tao sa buong mundo ang may diabetes.
Sa Pilipinas, patuloy ang pagtaas ng insidente ng diabetes.
Kaugnay nito, sinabi ni Dr. Nemencio A. Nicodemus Jr. isang Endocrinologist na ang mga pasyenteng may COVID- 19 ay mayroon ding diabetes.
Aniya, batay sa datos, isa sa bawat siyam na katao na may COVID-19 ay mayroong diabetes.
Kung kaya, mahalaga na ang isang taong taong may diabetes ay mabakunahan kontra COVID- 19,upang sila ay makaiwas sa virus.
Bukod dito, sinabi pa ni Dr. Nicodemus na ang mga taong may diabetes ay dalawang beses ang panganib na dapuan ng malalang severe COVID-19.
Upang maiwasan ang diabetes, iwasan ang tatlong K – KATABAAN, KATAMARAN AT KATAKAWAN.
Belle Surara