Mga pinoy na galing sa India hindi muna papapasukin sa Pilipinas sa panahon ng travel ban
Maging mga Filipino na mula sa India ay hindi rin muna papapasukin sa bansa sa loob ng 2 linggo o habang umiiral ang travel restriction sa nasabing bansa.
Ayon kay Health Usec Ma Rosario Vergeire, ito ay upang matiyak na mapoprotektahan rin ang bansa at masigurong walang bagong variant ng COVID 19 ang makakapasok.
Ang travel ban sa India ay magsisimula bukas Abril 29 hanggang Mayo 14.
Una rito, sinabi ng DOH na sa ngayon ay hindi pa nakakapasok sa bansa ang Indian variant.
Pero sa kabila nito, patuloy parin ang pagtaas ng COVID 19 cases sa bansa dahil sa iba pang variant na nakapasok na rito gaya ng mula sa United Kingdom, South Africa at Brazil.
Bagamat mayroon ng Philippine variant sinasabi ng DOH na wala pa namang ebidensya na nakakaapekto ito sa galaw ng virus.
Madz Moratillo