Tokyo Olympics maaaring isagawa nang walang fans
Maaaring gawing “behind closed doors” ang naantalang Olympics.
Ito ang sinabi ni Tokyo 2020 president Seiko Hashimoto, at ipinangako na titiyaking magiging ligtas ang mga palaro.
Sinabi ng dating Olympian na si Hashimoto, na magiging matagumpay lamang ang mga palaro kung poprotektahan ng buo ng organisers ang mga atleta at mga mamamayan sa Japan, at umaasa siya na matutuwa ang mga tao na matutuloy ang event.
Ang fans na manggaling sa ibang bansa ay pinagbawalan nang manood sa mga palaro, habang na-delay naman at sa June pa malalaman ang desisyon tungkol sa domestics fans, kung saan binanggit ng organisers ang panibagong wave ng infections sa Japan.
Sa panayam sa kaniya ay sinabi ni Hashimoto . . . ” There might be a situation where we can’t allow any spectators to attend. The only way that we can call the Games a success is if we completely protect the lives and health of athletes and the people of Japan.”
Karamihan ng mga tao sa Japan ay sumusuporta sa muling pagpapaliban o tuluyang pagkansela sa Olympics, at ang kamakailan na panibagong bugso ng virus cases ay nagbunsod para ideklara ang isang state of emergency sa Tokyo at iba pang bahagi ng bansa.
At dahil under pressure na ang medical system, kaya binatikos ang Olympic organisers sa kahilingan nila ng volunteer medical staff para sa palaro.
Ayon kay Hashimoto . . . “If the event itself does change, I think it will be with regard to spectators. That is one area where we might be able to reduce the anxiety of people who are worried about the medical system.”
Sa kagustuhan namang makuha ang tiwala ng publiko, nagpalabas ang organisers ng rulebooks na nag-aatas na bawat manlalaro ay araw-araw na isasailalim sa testing at lilimitahan din ang kanilang galaw.
Gayunman, hindi requirement na sumailalim sa quarantine ang mga atleta at hindi rin mandatory ang pagpapabakuna.
Sinabi ni Hashimoto na ang mga panuntunan ay patuloy na aayusin, at pakiramdam nya ay malaking responsibilidad na maipakitang matutuloy ang mga palaro nang ligtas.
Dagdag pa ni Hashimoto . . . “The organising committee is thinking about what needs to be done to make sure the event is not cancelled. My big goal is to prepare for the Games in a way that makes people feel that way.”
Ang 56 na si Hashimoto, ay dating atleta na lumahok sa pitong magkakasunod na winter at summer Games sa speed skating at bilang sprint cyclist.
Naging pangulo sya ng Tokyo 2020 nitong Pebrero. Dati syang Olympic minister at isa sa dalawang babae sa gabinete, at nagtulak para sa gender equality sa Tokyo 2020.
© Agence France-Presse