Mga miyembro ng Kilusang Mayo Uno ng Region 4a, nagsagawa ng kilos protesta sa tapat ng URC sa Calamba Laguna.
Kasabay ng pagdiriwang ng araw ng paggawa nitong nakaraang Sabado, Mayo 1, 2021 nagsagawa ng kilos protesta ang ilang mga militanteng grupo sa tapat ng URC sa Calamba laguna.
Ipinananawagan ng grupo ang hindi makatwirang pamamalakad ng mga pribadong kumpanya sa Calabarzon lalo na sa Laguna.
Ang mga karampatang benepisyo na dapat sana ay naibibigay sa mga manggagawang pilipino lalo na ang mga naapektuhan ng pandemiya bunsod ng Covid 19.
Hinihiling din ng grupo na ipatupad na ng mga kumpanya ang regularisasyon na una nang ipinangako ng Pangulong Duterte noong panahong nangangampanya pa lamang ito.
Please follow and like us: