6.8-magnitude na lindol tumama sa northeast Japan tatlo katao nasaktan
TOKYO, Japan (AFP) – Hindi bababa sa tatlo katao ang nasaktan, matapos tamaan ng isang 6.8-magnitude na lindol ang northeastern coast ng Japan, subalit walang inisyung tsunami warning.
Ang malakas na lindol ay yumanig din sa eastern coast at naramdaman din sa Tokyo.
Walang immediate reports tungkol sa major damage ayon sa local media.
Ayon sa United States Geological Survey (USGS), ang lindol ay may lalim na 47 kilometro (29 milya) sa Pasipiko, sa bahagi ng Ishinomaki sa Miyagi prefecture — malapit ito sa sentro ng nangyaring lindol noong 2011, na naging sanhi ng napakalaking tsunami na ikinasawi ng higit 18-libong katao.
Gayunman, sinabi ng meteorological agency na wala namang tsunami risk.
Subalit nagbabalala ang isang agency official tungkol sa malalakas na aftershocks na maaaring tumama sa rehiyon, at ang inaasahang sama ng panahon ay posible ring magdulot ng landslides bunsod ng mga pagyanig.
Dalawa katao ang bahagyang nasaktan matapos mabasag ang mga salamin sa isang istasyon sa Onagawa, Miyagi, habang isang babae naman na nasa kaniya nang 80s ang ginamit sa ospital matapos mahulog habang nasa isang supermarket sa Fukushima.
Ayon kay Kazuto Takeda, isang opisyal ng disaster management office ng Miyagi prefecture . . .”We are aware of the news but still collecting information.”
Nagsuspinde naman ng kanilang operasyon ang local railway firms, habang huminto naman ang elevators sa ilang gusali sa Miyagi.
Ayon naman sa TEPCO, Fukushima nuclear plant operator, ang pasilidad na napinsala sa nangyaring 2011 tsunami ay hindi nagpakita ng anomang abnormalidad sa nangyaring lindol.
© Agence France-Presse