BFP, PNP at BJMP sa Sta. Rosa Laguna nagsanib pwersa para magtayo ng community pantry
Tatlong grupo ng uniformed personnel sa lokal na pamahalaan ng Sta. Rosa, Laguna ang nagtulong-tulong, upang magtayo ng community pantry.
Sa pakikipag-ugnayan sa tanggapan ng alkalde, isinagawa ng Bureau of Fire Protection (BFP), Phil. National Police (PNP), at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), ng Sta. Rosa, Laguna ang kauna-unahan nilang Tri-bureau community pantry.
Makikita rito ang mga delata, bigas,gulay at samut-saring mga biscuit at ilan pang mga pagkain. Kasama rin sa kanilang ipinamahagi ay mga facemask at bar soap.
Layunin ng nasabing proyekto na panatilihin ang pagtutulungan at bayanihan, laluna ngayong panahon ng pandemya.
Naging maayos naman ang kanilang pamamahagi, dahil tiniyak nila na mahigpit at maayos na naipatupad ang minimum health standards at protocols na ibinaba ng IATF.
Lubos naman ang pasasalamat ng tri-bureau sa lahat ng sumuporta upang maging posible ang kanilang community pantry.
Ulat ni Louis John Reñon,