Pangulong Duterte, walang nalabag na batas sa paggamit ng Sinopharm anti COVID-19 vaccine – Malakanyang
Naaayon sa proseso at walang nalabag na batas si Pangulong Rodrgo Duterte sa paggamit ng Sinopharm anti COVID 19 vaccine.
Ito ang paglilinaw ng Malakanyang sa ginawang pagbabakuna gamit ang Sinopharm kay Pangulong Duterte sa pamamgitan ni Health Secretary Francisco Doque.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na kabilang si Panulong Duterte sa priority list bilang senior citizen matapos magbigay ng pahintulot ang kanyang personal na manggagamot na maari na siyang bakunahan laban sa COVID 19 gamit ang Sinopharm na gawang China.
Ayon kay Roque ang Sinopharm anti COVID 19 vaccine na ginamit sa Pangulo ay kabilang sa 1000 doses na donasyon ng China sa Presidential Security Group na binigyan ng Compassionate Permit ng Food and Drug Administration o FDA.
Inihayag ni Roque na ngayon lamang nabakunahan ang Pangulo dahil ngayon din lang nagkaroon ng supply ng Sinopharm anti COVID 19 vaccinne.
Niliwanag ni Roque na hanggang ngayon ay hindi pa nag-aaply ng Emergency Used Authorization sa FDA ang manufacturer ng Sinopharm.
Iginiit ng Malakanyang na lahat ng bakuna na ginagamit ngayon sa bansa tulad ng Sinovac ng China, Astrazeneca ng United Kingdom at Gamaleya Sputnik V ng Russia ay ligtas at mabisa batay sa ginawang pagsusuri ng FDA kaya binigyan ang mga ito ng Emergency Used Authorization.
Vic Somintac