Sinopharm hindi parin nagsusumite ng requirements para sa kanilang EUA application sa FDA
Nilinaw ng Food and Drug Administration na hindi pa nila napag-aaralan ang COVID 19 vaccine ng Sinopharm ng China.
Ang Sinopharm Vaccine ang itinurok na bakuna kay Pangulong Duterte.
Paliwanag ni FDA Director General Eric Domingo, bagamat naghain na ng aplikasyon sa kanila ang Sinopharm para makakuha ng Emergency Use Authorization ay hindi pa naman ito nagsusumite ng mga requirements.
Ang mga dokumento na ito ay mahalaga dahil dito aniya nakasalalay ang kanilang magiging pag aaral sa bakuna.
Una rito, nilinaw ni Domingo na kahit wala pang EUA, nabigyan naman ng Compassionate Special Permit ang Sinopharm vaccine na matatandaang itinurok rin sa ilang PSG personnels.
Madz Moratillo