TUPAD orientation isinagawa sa San Jose Nueva Ecija
Muling naghatid ng tulong pangkabuhayan ang Department of Labor and Employment o DOLE katuwang ang lokal na pamahalaan ng San Jose City sa Nueva Ecija, sa pamamagitan ng programang Tulong Panghanabuhay para sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD.
Sumalang sa oryentasyon ang 103 benepisyaryo mula sa iba’t-ibang barangay sa lungsod na makikinabang sa naturang proyekto.
Ayon sa mensahe ni Konsehala Trixie Salvador, ang mga benepisyartl ay maghahatid ng serbisyo publiko gaya ng paglilinis sa barangay sa loob ng sampung araw, at makatatanggap sila ng 420 pesos na sweldo o minimum wage kada araw.
Masusing pinili ang mga benepisyaryo ng TUPAD.sa pagtutulungan ni Mayor Mario Salvador at ng PESO, sa pangunguna ni Sr. Labor & Employment Officer Lilybeth Tagle.
Ulat ni Brenda Sevilla