Bilang ng mga Filipino na walang trabaho noong Marso bumaba na
Bumaba na ang bilang ng mga Filipino na walang trabaho sa nakalipas na buwan ng Marso ngayong taon.
Sa huling Labor Force Survey na ginawa ng Philippine Statistic Authority, umaabot sa 3.44 million ang walang trabaho hanggang noong march o katumbas ng 7.1 percent.
Sinabi ni National Statistician USEC Dennis Mapa na mas mababa ito kumpara sa 4.19 million na unemployed noong Pebrero ngayong taon.
Ito na aniya ang naitalang pinakamababang datos mula noong april 2020.
Pero inamin ni mapa na ang labor force survey ay ginawa bago pa magpatupad ng enhance community quarantine sa National Capital Region plus bubble dahil sa mataas na kaso ng COVID – 19 kung saan maraming negosyo ang muling nagsara.
Mayorya sa mga apektadong industriya ang services, agriculture at manufacturing industry.
Sa naturang survey, may pinakamalaking pagtaas naman sa bilang ng nakabalik sa trabaho amg mga nasa construction, wholesale, retail trade at repair sa mga motorcycles at iba pang motor vehicle.
Samantala, umabot naman sa 9.82 million ang mga indibidwal na nagsabing nakaranas sila ng pansamantala o permanenteng pagkatanggal sa trabaho mula Marso 2020 hanggang Marso 2021.
Meanne Corvera