Laguna Provincial Gov’t sinimulan ang pamamahagi ng scholarship grants sa mga college students sa buong lalawigan.
Sinimulan na ng Laguna Provincial Gov’t ang pamamahagi ng scholarship grants para sa mga mag-aaral sa buong lalawigan.
Bahagi ito ng programa ng provincial gov’t of laguna na mabigyan ng financial and scholarship grants sa pag aaral ang mga kabataan sa laguna.
Layunin din nito na makapagbigay ang mga opisyal ng laguna province ng dekalidad na edukasyon para sa mga kabataan.
Ayon kay Laguna Governor Ramil Hernandez, marami sa mga kabataan sa lalawigan ang kapos ng panustos sa pag-aaral.
Sinabi pa ng gobernador na ang inilaan nilang pondo para sa scholarship grants sa buong lalawigan ay 51,410,000.00.
Umaasa naman ang opisyal na ang mga kabataang nagsisipag-aaral sa kanilang lalawigan ay patuloy na magsisikap at mag-aaral ng mabuti tungo sa ikapagkakaroon ng magandang kinabukasan.
Inaasahan namang sa mga susunod na linggo ay magpapatuloy pa rin ang pamamahagi ng scholarship grants sa iba pang mga mag-aaral sa buong lalawigan ng laguna.