Transit Passengers na dadaan sa India at katabing bansa na kasama sa Travel ban, papayagan pa rin makapasok sa Pilipinas
Tiniyak ng Bureau of Immigration ang mahigpit na implementasyon ng pinalawak na Travel ban kasunod ng patuloy na banta ng mga bagong variant ng COVID 19.
Una rito, kasama na rin sa Travel ban simula ngayong araw, Mayo 7, ang Pakistan, Nepal, Sri Lanka, at Bangladesh.
Sa isang advisory, sinabi ng BI na lahat ng pasahero mula sa mga nasabing bansa maging ang mga may Travel history rito sa loob ng 14 na araw ay hindi papayagan makapasok sa bansa.
Una rito, nagpatupad na rin ng Travel ban ang Pilipinas sa India dahil sa nagpapatuloy na surge ng COVID 19 cases sa nasabing bansa na pinaniniwalaang dahil sa bagong variant na nagmula sa rehiyon.
Nilinaw naman ng BI na ang mga pasahero na dadaan o magpa-pass transit lamang sa India, Pakistan, Nepal, Sri Lanka, at Bangladesh ay papayagan makapasok sa bansa pero kailangan sumailalim sa 14- araw na Quarantine.
Ang mga Transit passenger na ito ayon sa BI ay ang mga nanatili lamang sa airport habang naghihintay ng connecting flight patungong Pilipinas at hindi naman lumabas ng airport.
Madz Moratillo