Israel nagpadala ng medical aid sa India para malabanan ang COVID-19
Sinimulan na ng Israel na magpadala ng mga tulong medikal sa India upang malabanan ang matinding COVID-19 crisis doon.
Ayon sa embahada, kabilang sa mga medical supplies na ipinadala ng Israel ay daan-daang oxygen generators, respirators, gamot, at iba pang medical equipment para sa mga ospital sa India.
Magpapatuloy ang special flights ng emergency medical aid sa India mula sa Israel hanggang sa mga susunod na araw.
Bumuo ang Israel ng task force na pinangunahan ng foreign ministry, health ministry, at finance ministry nito para sa paglulunsad ng medical operation sa India.
Tumulong sa operasyon ang ilang private entities, NGOs, at mga kumpanya sa Israel.
Sinabi ng Israel foreign ministry na patunay ito ng matatag na pagkakaibigan ng dalawang bansa.
Sa umpisa ng COVID-19 pandemic noong nakaraang taon ay nagpadala ang India sa Israel ng face masks at raw materials ng mga gamot, at umalalay sa pagpapauwi sa Israeli citizens.
Umaasa ang Israel na ang mga ipinadalang medical aid ay makasasagip ng maraming buhay sa India.
Moira Encina