Mga nakarekober sa Covid-19 sa Calabarzon region, nadagdagan pa.
1,126 ang bagong mga gumaling o nakarekober mula sa Covid-19 ang naitala ng DOH Calabarzon.
Dahil dito, umakyat na sa 116,026 ang recovery rate ng Region 4a sa vius infection batay na rin sa datos ng ahensya dito sa Calabarzon Region.
Samantala, nakapagtala naman ng panibagong 1,029 kaso ng Covid-19 sa rehiyon.
Kaya umakyat na sa 143,117 ang kabuuang kaso ng virus.
23,117 naman ang bilang ng aktibong kaso ng virus sa region 4a.
Nasa 3,976 naman ang bilang ng nasawi sa buong rehiyon ng Calabarzon.
Samantala, nangunguna pa rin sa Cavite province sa mga pinaka maraming naitalang kaso ng Covid 19 sa region 4a na mayroong 34,691 sinundan ng Lalawigan ng Laguna na mayroong 25,578 pangatlo ang Batangas province na mayroong 20,561, ang Rizal Province na may 26, 270, at ang Quezon province kabilang ang Lucena City na mayroong 8,396.