Bilang ng mga lugar sa QC na nasa Special Concerned Lockdown Areas, bumaba na
Mula sa 45 mga lugar sa Quezon City na nasa ilalim ng Special Concern Lockdown Areas (SCLA), bumaba na ito sa 31.
Ayon sa City Health Department, nabawasan na rin ang hawahan ng Covid- 19 virus dahil sa mga ginagawang hakbang ng Pamahalaang Panglunsod.
Kaugnay nito ay nagpapatuloy ang pamamahagi ng food packs at essential kits para sa mga apektadong pamilya.
Sila ay isinasailalim sa Swab testing at mandatory 14-day quarantine o higit pa kung kinakailangan.
Paglilinaw ng Lokal na Pamahalaan, partikular na lugar lamang ang sakop ng SCLA at hindi ang buong Barangay.
Ayon pa sa QC Government malaki ang naitulong ng dalawang linggong Enhanced Community Quarantine (ECQ) noong nakaraang buwan at ang patuloy na umiiral na Modified ECQ.
Belle Surara