Mga Magsasaka sa ilang mga bayan sa Batangas at Quezon province nakatanggap ng mga alagang kalabaw mula sa Dept. of Agriculture Calabarzon
Muling nagkaloob ng mga aalagaang kalabaw ang Dept. of Agri. Calabarzon para sa mga magsasaka sa ilang mga bayan sa Batangas at Quezon Province.
Pangunahin sa makikinabang sa ipinamahaging mga kalabaw ay mga grupo ng magsasaka na kabilang sa Ulong Tao Upland Rice Farmers Association, Luafa Farmers Association, at Anoling Farmers Association.
Ang mga naturang magsasaka ay mga naapektuhan ang kanilang kabuhayan noong nakaraang taon bunsod ng mga kalamidad na tumama sa Batangas at Quezon province.
Umaasa ang mga opisyal ng D.A region 4a na sa pamamagitan ng mga ipinagkaloob nilang mga kalabaw sa mga naturang magsasaka ay makakapagsimula uli sila ng panibagong pagkakakitaan at kabuhayan.
Una na ring nagkaloob ang D.A calabarzon ng pangkabuhayan package sa mga magsasaka sa Laguna na naapektuhan din ng kalamidad at ng Covid 19 pandemic.