Digital eye strain maaaring makuha sa mahabang oras na exposure sa mga gadget – ayon sa eksperto
Mahalaga ang paggamit ng ibat ibang uri ng gadgets tulad ng telebisyon, cellphone, computer, laptop at iba pa lalo na ngayong pandemya na karamihan ay nanatili sa loob ng bahay.
kaya sinabi ni Dra. Joan Mae Rifareal, isang Psychiatrist sa panayam ng Radyo Agila na bagaman may positibong dulot ang gadgets, meron din itong masamang epekto physically, mentally at emotionally.
Aniya ang matagal o mahabang oras na nakatingin sa screen, maaaring magdulot ng tinatawag na digital eye strain.
Mararanasan ng mata ang pamumula at pagkatuyo ng mata o dry eyes dahil napagod ito.
Isa pa sa maaring makuha ay ang tinatawag na posture turtling.
Dahil aniya sa matagal na nakaharap sa gadgets may tendency na hindi na mabantayan ang posture.
bukod dito nakakaapekto rin ang gadgets sa pagtulog.
Paliwanag ni Dra. Rifareal, ang screen ay nag eemit ng blue lights kaya sa halip na makatulog agad, ay matagal na makakatulog ang isang tao dahil ang inaakala ng utak ay umaga pa dahil sa blue light.
Belle Surara