Mahigit 300 na Volcanic Earthquakes naitala sa Taal Volcano – PHIVOLCS
Nakapagtala ang PHIVOLCS ng tatlong daan at limamput-limang (355) volcanic earthquakes sa Taal Volcano sa nakalipas na dalawamput apat na oras.
Sa bilang na ito , dalawang daan at isa ang Low frequency Volcanic Earthquakes habang nasa isang daan at limampu’t apat ang Volcanic tremor events na tumagal ng dalawa hanggang tatlumpu’t limang minuto.
Ayon sa PHIVOLCS kaninang alas -8 ng umaga ay naobserbahan ang mahinang pagbuga ng ” weak plumes” na may dalawang daang (200) metro ang taas.
Inihayag ng PHiVOLCS na humigit – kumulang sa 3,463 tonelada kada araw ang naitalang ibinubugang sulfur dioxide o SO2 ng bulkan.
Nananatiling nakataas parin sa Alert Level 2 ang Taal Volcano.
Dahil dito , mahigpit ang babala ng DOST-PHIVOLCS , na bawal paring pumasok sa Permanent Danger Zone o PDZ ng Bulkang Taal, lalung-lalo na sa bisinidad ng Main Crater at Daang Kastila fissure ng Taal.
Marie Ochoa