Alyansa sa ASEAN countries isinusulong para itaboy ang mga barko ng China sa West Phil Sea
Hinimok ni Senador Risa Hontiveros ang Department of Foreign Affairs na palakasin ang ugnayan sa mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nation o ASEAN para palakasin ang pwersa at maitaboy ang mga barko ng China sa West Philipine Sea.
Sinabi ng Senador na gaya ng Pilipinas, may inaangkin ding teritoryo ang Vietnam, Malaysia, Brunei at Indonesia.
Maaari aniyang magsanib pwersa ang mga bansang ito para pagpulungan ang pagtataboy sa mga barko at pumalag sa militarisasyon ng China sa halip na paulit ulit na maghain ng protesta.
Wala raw kasing epekto ang mga diplomatic protest laban sa China katunayang nananatili ang kanilang mga barko sa isla.
Meanne Corvera