Air France at Airbus haharap sa paglilitis kaugnay ng Rio-Paris crash
PARIS, France (AFP) – Kailangang humarap sa paglilitis ng Air France at Airbus, sa maslaughter charges kaugnay ng 2009 crash ng isang Rio de Janeiro to Paris flight, na ikinasawi ng lahat ng 228 kataong lulan nito.
Ang flight AF447 ay bumagsak sa Atlantic Ocean sa gitna ng isang bagyo, noong June 1, 2009. Ang pinakagrabeng crash incident sa kasaysayan ng Air France.
Sa naturang desisyon ay sinunod ng korte ang rekomendasyon ng prosekusyon, na nagbabaligtad sa naunang pasya ng korte na i-drop ang kaso laban sa French flagship carrier at top aircraft maker ng Europe.
Agad namang inihayag ng mga abogado para sa Airbus, na aapela sila.
Inabot ng dalawang taon bago natagpuan ang wreckage ng Airbus A3330 jet, na na-locate din sa wakas sa tulong ng remote-controlled submarines, sa lalim na 3,900 meters o 13,000 feet.
Ayon sa mga imbestigador, ang aksidente ay bunga ng pilot errors, na nalito dahil sa faulty speed monitoring equipment.
@ Agence France-Presse