First batch ng mahigit 30 mga baka ipinagkaloob ng D.A Calabarzon sa mga magsasaka sa Pagbilao Quezon.

Mahigit sa Tatlumpung mga alagaing Baka ang ipinagkaloob ng Dept. of Agriculture Calabarzon sa mga magsasaka sa Pagbilao Quezon. 
Ito ang first batch ng distribusyon ng mga baka para sa mga magsasaka sa Quezon province na naapektuhan ang hanapbuhay bunsod ng sunod sunod na kalamidad na nanalanta sa lalawigan noong nakaraang taon.
Bahagi din ito ng Cattle Fattening Feedlot Project ng DA-4A na kabilang sa Livestock Program ng ahensya.
Bukod sa mga aalagaang mga baka, ay tumanggap din ang mga magsasaka ng gamot, at mga feeds para sa kanilang mga aalagaang baka. 
Isasailalim din sa training ang mga magsasaka para sa tamang pag-aalaga ng mga ipinamahaging baka sa kanila ng ahensya.
Inaasahan naman na bukas, Mayo 14, ay mayroon pang karagdagang animnapung mga magsasaka sa Quezon province ang mabibigyan ng mga aalagaang baka.

Please follow and like us: