Unang Junk Raft Challenge inilunsad ng Dapitan City
Inilunsad ng Tourism Office ng pamahalaang lokal ng Dapitan City, ang 1st Junk Raft Challenge, na naglalayong hikayatin ang mga kabataan sa paggamit ng mga plastik na basura.
Nilahukan ito ng grupo ng mga kabataan mula sa iba’t-ibang bayan sa unang distrito, na sakop ng Zamboanga del Norte at mula sa lungsod ng Dapitan.
Ayon kay City Tourism Officer Apple Marie Agolong, ang 1st Junk Raft Challenge ay isang paligsahan sa paggawa ng bangka gamit ang recycled na mga plastik na basura, upang mahikayat ang mga kabataan sa adbokasiya na “The Youth: Solution not Pollution.”
Nakuha ng mga kabataan mula sa bayan ng Sibutad ang 1st Place; ang 2nd Place naman ay nakuna ng mga kabataan mula sa lungsod ng Dapitan; at ang 3rd Place ay napagwagian ng mga kabataan mula sa bayan ng Polanco.
Ang paligsahan ay sinaksihan ni Congressman Romeo Jalosjos, Jr.
Suportado naman ng administrasyon ni Mayor Rosalina Jalosjos ang inisyatibo, programa at mga aktibidad ng City Tourism Office, sa pag-asang makahihikayat ito sa mga kabataan upang maunawaan ang tamang paghihiwalay ng mga basura at kung paano ito ire-recycle para muling pakinabangan.
Ulat ni Joel Roxas