Kaligtasan ng mga Filipino sa Israel, pinatutukan sa DFA
Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Foreign Affairs (DFA) na tutukan ang lagay ng mga Pinoy sa Israel dahil sa nagpapatuloy na kaguluhang nagaganap doon.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, nais ng Pangulo na maglatag ng contingency measures ang DFA para sa kaligtasan ng mga Filipino na nagtratrabaho sa nasabing bansa.
Ayon kay Roque mahigpit na minomonitor ng pamahalaan ang developments ng mga kaganapan sa Israel.
Sa record ng DFA tinatayang nasa halos 30,000 ang mga Pinoy sa Israel na karamihan ay nagtratrabaho bilang mga Caregivers at Domestic helpers.
Batay sa report patuloy na nagpapalitan ng missile ang Israel at Hamas militia na nagdulot na ng kamatayan ng mga residente at pagkasira ng mga gusali sa Gaza at Tel Aviv.
Vic Somintac