Anu-ano ang mga bawal sa ilalim ng GCQ with Heightened Restrictions?
Narito ang mga ipinagbabawal at pinapayagang aktibidad sa loob ng General Community Quarantine with Heightened Restrcitons:
Mga Bawal na Aktibidad:
- Hindi pinapayagan ang non-essential travel palabas at papasok ng NCR plus maliban sa Persons Authorized Outside Residence (APOR)
- Hindi pa rin pinapayagang lumabas ng bahay ang 17 years old pababa, at ang mga may edad na 66 years old pataas.
- Hindi maaaring magbukas ang mga entertainment venue tulad ng bars, concert halls, at theaters; recreational venues gaya ng internet cafes, billiards halls, at arcades; amusement parks,fairs, playgrounds, kiddie rides; indoor sports courts, venues at indoor tourist attractions; venues for meetings, conferences, at exhibitions.
Mga aktibidad na Pinapayagan:
- Pagbiyahe ng mga pampublikong sasakyan.
- 10% ng venue capacity para sa religious gatherings, necrological services, lamay sa patay,, inurnment at funerals (kung hindi COVID-19 ang sanhi ng pagkamatay). Update as of May 21, 2021: Pinayagan na ng IATF ang hanggang 30% ng venue capacity para sa religious gatherings.
- 20% seating capacity para sa Indoor dine-in services
- 50% seating capacity para sa outdoor o al fresco dining
- 30% para sa outdoor tourist attraction
- Outdoor non-contact sports, games, exercises
- 30% capacity para sa personal care services na hindi kailangang maghubad ng mask gaya ng salons, parlors, at beauty clinics
- Specialized markets ng Department of Tourism
Alamin ang bagong quarantine protocols na ipatutupad sa ibat-ibang lugar simula Mayo 16 hanggang Mayo 31, 2021. Click here.
Please follow and like us: