Youth community hot meals itinatag sa Olongapo
Bukod sa community pantry, naglunsad din ang Olongapo Youth Community Movement ( OYCM) ng tinatawang na ‘Community Hot Meals’ para sa masa.
Ang dating community pantry na proyekto ng nasabing organisasyon ng mga kabataan, ay umiikot na ngayon sa ibat ibang barangay sa lungsod upang magbigay ng tulong sa kanilang mga kababayang nangangailangan.
Sa ilang linggong pag-oorganisa at pakikipagtulungan sa ibat ibang sektor, nakalikom na ang OYCM ng mahigit sa P21,000 halaga ng pinagsamang cash at goods donations.
Samantala, nagkaroon naman ng pagbabago ang araw ng kanilang pag-aabot tulong na dati ay mula Lunes, Miyerkules, Biyernes at Sabado.
Ngayon ay gagawin na lamang itong Lunes at Miyerkules para na rin sa kaligtasan at kalusugan ng mga kabataang volunteers.
Ang OYCM ay pansamantalang aalis sa kanilang pweso sa Gordon Ave., dahil magiging Moving Pantry na ang Community Pantry/Community Hot Meals, para mas makapag-abot sila ng tulong sa iba’t-ibang lugar sa Olongapo.
Nais din ng mga youth volunteer, na mas lumawak pa at dumami ang kanilang mga matutulungan.
Samantala, patuloy ang panawagan ng community leaders na sa mga nais magpadala ng kanilang suporta at tulong in-cash or in-kind.
Ulat ni Sandy Pajarillo