Ilang paraan upang mapanatiling ligtas sa sakit ngayong tag-init
Matinding init pa rin ang nararanasan sa kasalukuyan.
Dahil dito, babala ni Dr. Joseph Rylan flores, isang Orthopedic surgeon at Nutrigenomics expert, na kapag hindi nag-ingat ay maaaring makaranas ng iba’t-ibang uri ng sakit.
Kabilang dito ang Heat stress, Heat exhaustion, Heat cramps at Heat stroke.
Sinabi ni Flores na maaaring maranasan ng tao ang Dehydration kung kaya mahalaga ang madalas na pag-inom ng tubig.
Payo ni Flores, upang hindi maranasan ang mga nasabing sakit, dapat dagdagan ang pagkain ng gulay at prutas, lalo na ang green and leafy vegetables, magkaroon ng sapat na pahinga at tulog, maglaan ng oaras para sa exercise kahit nasa loob ng tahanan, at tigilan ang masamang bisyo tulad ng paninigarilyo at pag-inom ng alak.
Belle Surara