Confirmed case ng Covid-19 sa Calabarzon tumaas nanaman.

Nadagdagan nanaman ang bilang ng mga may kumpirmadong kaso ng Covid-19 sa Region 4a.
Sa tala ng DOH Calabarzon, pumalo sa 1,660 ang bilang ng panibagong kaso ng virus ang naitala ng ahensya kung kaya umabot na sa 148,787 ang kabuuang kaso ng virus sa rehiyon. 
Tumaas naman ang bilang ng aktibong kaso ng virus sa calabarzon na umabot sa 23,407. 
Nakapagtala naman ang DOH region 4a ng 1,516 na mga bagong nakarekober, kung kaya pumalo na ito sa 121,222 at 4,158 naman ang mga nasawi dahil sa nadagdag na 44.
Sa buong Region 4a, nangunguna pa rin ang Cavite sa mga may pinaka maraming naitalang kaso ng virus na umaabot na sa 44,311, pangalawa ang Laguna na may 34,226, Batangas na may 26,484 Rizal na 32,452 at Quezon province kasama ang Lucena City na may 11,314.

source: DOH Calabarzon
Please follow and like us: