Mga benepisyong makukuha sa paggamit ng Biogas Technology
Marami nang Pinoy ang nahihikayat na gumamit ng Biogas Technology.
Batay sa inilathala ng Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources, Research and Development o PCAARRD ng Department of Science and Technology o DOST, ang patuloy na pagtaas ng pangangailangan at presyo ng enerhiyang ginagamit, ang isa sa dahilan kung kayat sinusubukan ang paggamit ng teknolohiya ng biogas.
Ayon sa mga Engineers mula sa Cavite State University – Affiliated Non Conventional Energy Center, may dalawang uri ng benepisyong makukuha sa paggamit ng Biogas System.
Ang isa ay ang tinatawag na tangible benefits na dito ay makatitipid ng energy, feed materials at fertilizers.
Intangible benefits naman ang pangalawang uri,at sinasabi na invaluable.
Kabilang dito ang conservation of natural resources sa pamamagitan ng hindi pagpuputol ng punongkahoy para gamiting panggatong.
Sa ganitong paraan, sinasabi ng mga Biogas Engineers na maiiwasan ang polusyon, magdudulot ng sariwang hangin at magandang kapaligiran.
Partikular ding kinilala ng mga nabanggit ang pinaggagamitan ng biogas bilang gasoline upang mapaandar ang electric generators, water pumps, feed mills, refrigeration systems, thereshers at iba pang farm equipment.
Bukod dito, ginagamit din ang Biogas sa gas stove, gas mantle lamp, freezer, industrial steam boiler sa food processing plant, brooding lamps sa panglimlim ng mga sisiw at biik, at panghalili sa disinfectant.
Belle Surara