Plant a tree program isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng PNP Drug Enforcement Group at Community Anti-Criminal Group sa Cavite
Maagang tinungo ng Philippine National Police Drug Enforcement Group (PNP-DEG) at ng Community Anti-Crime Group (CACG), ang isang barangay sa Trece Martires sa Cavite, upang isagawa ang tree planting activity na kanilang inilunsad.
Bago magsimula ay pinaalalahanan ni Pol. Lt. Fernando Galang ang mga lumahok, na kasama sa kanilang pagtupad ng gampanin bilang pulis ang pagiging maka-kalikasan.
Si Galang ang siyang bumalangkas ng layunin ng naturang proyekto.
Sinabi naman ng pangulo ng CACG, na ang mga ganitong aktibidad ang magandang ipamama sa mga susunod na henerasyon.
Matapos ang tree planting activity ay nagkaroon ng isang maikling programa, kung saan binigyan ng sertipiko ng pagkilala ang alkalde ng Trece Martires, ang kapitan ng Barangay Cabuco na pinagdausan ng aktibidad, at maging si Engr. Elmer Bernardo, na national president ng CACG.
Ulat ni Louie John Reñon