Pilipinas, ikatlo sa Asean region na may mataas na recovery rate sa Covid-19

Napanatili ng Pilipinas ang mataas na recovery rate laban sa Covid-19.

Batay sa datos ng worldometers.info, nasa ikatlong puwesto ang Pilipinas sa Asean region na may mataas na may 93.41 percent.

Ipinapahiwatig lamang nito na ang nasabing antas o nasa higit isang milyon nang Filipino ang gumaling sa virus infection.

Kahapon, nakapagtala ang bansa ng 1,062,427 recoveries mula sa Covid-19.

http://www.radyoagila.com/doh-nakapagtala-ng-6739-na-bagong-kaso-ng-covid-19/

Samantala, nanguna naman ang Singapore sa may pinakamataas na recovery rate na nakapagtala ng 99.31 percent at pumangalawa ang Brunei na may 94.83.

Please follow and like us: