Bentahan ng karne ng baboy sa Rodriguez Rizal matumal at presyo lalo pang tumaas
Matumal ang bentahan ng karne ng baboy sa Rodriquez, Rizal at lalo pang tumaas ang presyo, bagama’t nagdeklara na ng state of calamity ang bansa.
Mula sa 380 pesos per kilo ay pumalo na ito sa 390 pesos per kilo ngayong linggo.
Bumaba naman ang manok, kung saan mulansa 140 pesos kada kilo ay 130 pesos na lamang ang bawat kilo nito ngayon.
Subalit may tyansang muling tumaas ang presyo nito ngayong linggo.
Umaaray naman ang mga nagtitinda dahil sa mahal na ang kanilang puhunan, at matumal pa ang bentahan.
Ayon sa ilang tindero at tindera, kung dati ay kilo-kilo kung bumili ang mga namamalengke, ngayon ay 1/2 o 1/4 na lamang.
Bunsod pa rin anila ito ng epekto ng african swine fever sa mga baboy, at ng mataas na presyo ng karne nito.
Ulat ni Gladys Mingorio