Dating Senador Juan Ponce Enrile tatalakayin ang isyu sa West Philippine Sea sa Talk to the People ni Pangulong Duterte
Pinaunlakan ni Dating Senador Juan Ponce Enrile ang paanyaya ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging panauhin sa regular weekly Talk to the People.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque ilalahad ni Senador Enrile ang kasaysayan ng mga pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea.
Ayon kay Roque naniniwala si Pangulong Duterte na maraming alam si Senador Enrile sa isyu ng West Philippine Sea lalo na sa mga teritoryong inaangkin ng Pilipinas at China.
Inihayag ni Roque kasalukuyang Senate President si Enrile sa panahon ng Noynoy Aquino administration nang magkaroon ng tensiyon sa pagitan ng Pilipinas at China sa Scarborough Shoal.
Naniniwala ang Malakanyang na alam ni Senador Enrile ang naging papel ni Dating Senador Antonio Trillanes IV sa backdoor negotiation sa China sa isyu sa West Philippine Sea ganun din ang papel ni dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario kung papaano namagitan ang Amerika at kung sino ang nag-utos na umalis ang barko ng Philippine Navy kaya tuluyang nawala sa posisyon ng Pilipinas ang Scarborough Shoal.
Binigyang diin ni Roque na walang bahagi ng teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine ang nawala sa panahon ng Duterte administration.
Vic Somintac