Symbolic vaccination para sa mga Education frontliner isinagawa sa Maynila
Nagsagawa ng symbolic vaccination kontra COVID-19 ang Department of Health para sa mga education frontliners na bahagi ng A4 priority group.
Ang aktibidad ay ginawa sa Universidad de Manila kung saan 5 education frontliners na kinabibilangan ng isang janitor, security guard, full-time faculty, direktor ng information and communications technology department, at empleyado mula sa registrar’s office ng paaralan.
Pinangunahan ito ni Health Sec Francisco Duque, Manila Vice Mayor Honey Lacuna at opisyal mula sa Department of Education.
Layon ng symbolic vaccination na mapataas ang confidence ng mga nasa A4 sa vaccination program.
Ang mga nasa A4 ay isususnod na mabakunahan sa oras na may sapat na suplay na ng bakuna sa bansa.
Muli namang pinaalalahanan ni Duque ang publiko na sumunod sa health protocols at iba pang pag iingat kontra COVID-19.
Madz Moratillo