Paris cafes magbubukas na
PARIS, France (AFP) – Makalipas ang anim na buwang pagsasara bunsod ng coronavirus, magbubukas na ngayong Miyerkoles ang cafe terraces at museums sa Paris.
Tuloy-tuloy na ang paglabas ng mga European at American mula sa ilang buwan na ring restriksyon, ngayong patuloy ang pagsasagawa ng mga pagbabakuna sa iba’t-ibang panig ng mundo.
Nitong nakalipas na mga araw, nagtungo na sa pubs, gymns, at iba pang indoor venues ang mga Brtion, habang ang sa Italy naman ay niluwagan na ang curfew.
Pinaghahandaan naman ng Dutch music fans ang Eurovision Song Contest, at sinimulan na ng Portugal na tumanggap ng mga turista.
Ang New York na naging unang sentro ng virus infection ay nakatakda na ring luwagan ang requirement sa pagsusuot ng face mask at social distancing, bagama’t nag-iingat pa rin ang ilang mga residente laban sa sakit na nakaapekto sa halos lahat ng sulok ng mundo.
Ayon sa Manhattan restaurant manager na si Juan Rosas . . . “I plan to still require masks, even for vaccinated patrons. I think it is too early. I think they rushed the decision.”
Sa Paris ay fully booked na ang cafe terraces at rooftop gardens, matapos pahintulutan na ang dine-in.
Magbubukas na rin ang museums, cinemas at theatres, bago ang full-scale unlocking ng mga negosyo sa June 30.
Ang naging mabagal na takbo ng buhay ng Europe, ay pinasisigla na ngayon ng mas mabilis na vaccination programmes, makaraan ang higit isang taong pakikipaglaban sa pandemya na ikinasawi na ng 3.4 milyong katao sa buong mundo.
Ayon sa AFP tally, higit 1.5 million vaccine doses na ang naibigay sa mga tao mula sa 210 mga bansa at teritoryo.
@ Agence France-Presse