Mahigit 2.5 milyong indibidwal sa bansa nabakunahan na kontra COVID-19
Umabot na sa mahigit 3.2. milyong COVID-19 vaccine na ang naiturok sa bansa.
Ayon kay Health Usec Myrna Cabotaje, sa pinakahuling datos ay nasa mahigit 2.5 milyong indibiwal na sa bansa ang nabakunahan ng unang dose ng COVID-19 vaccine.
Habang nasa mahigit 786 libo naman ang fully vaccinated na o kapwa nakatanggap na ng una at pangalawang dose ng bakuna.
Ayon kay Cabotaje, inaasahang mas lalo pang tataas ang bilang na ito lalo na at mas maraming supply ng bakuna ang nakatakdang dumating sa bansa.
Nasa 180,000 bakuna aniya ang target bilang maiturok kada araw.
Aminado naman si Cabotaje na sa ngayon ay prayoridad muna ang NCR plus pagdating sa vaccination dahil narito ang mas mataas na bilang ng mga kaso ng virus infection.
Pero tiniyak rin ng DOH ang distribusyon ng iba pang bakuna sa iba pang rehiyon sa bansa.
Madz Moratillo