Tigil-putukan sa pagitan ng Israel at Hamas nagkabisa na ngayong Biyernes
GAZA CITY, Palestinian Territories (AFP) – Epektibo na ngayong Biyernes ang tigil-putukan sa pagitan ng Israel at Hamas, ang Islamist movement na kumokontrol sa Gaza Strip, makaraan ang 11 araw na grabeng sagupaan.
Maririnig sa mga lansangan ang mga selebrasyon, ilang minuto makaraang magkabisa ang tigil-putukan kung saan nagpatunog ng busina ang mga sasakyan, at may ilang nagpaputok pa ng baril sa ere, habang wala namang pinatunog na babala ng pagpapakawala ng Hamas rockets sa Israel.
Ang tigil-putukan na inorganisa ng Egypt, kung saan kasama rin ang pangalawang pinakamakapangyarihang armadong grupo, ang Islamic Jihad, ay napagkasunduan kasunod ng paglakas ng international pressure upang pigilan ang pagdanak ng dugo, na nagsimula noong May 10.
Malugod namang tinanggap ni United States President Joe Biden ang kasunduan.
Sinabi ni Biden . . . “I believe we have a genuine opportunity to make progress and I’m committed to working toward it.”
Pinuri rin ni Biden ang naging papel ng Egypt sa pag-organisa sa pagkakasundo.
Batay naman sa isang pahayag mula sa tanggapn ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu . . . ” The security cabinet had unanimously accepted the recommendation of all of the security officials…to accept the Egyptian initiative for a mutual ceasefire without pre-conditions.”
Kinumpirma rin ng Hamas at Islamic Jihad sa kani-kanilang mga pahayag, ang tigil-putukan.
Batay pa sa pahayag ng Israel . . . “Our aerial campaign had made unprecedented achievements in Gaza, a territory it has blockaded since 2007, the year of Hamas’s takeover. The political leadership emphasizes that it is the reality on the ground that will determine the future of the operation.”
Ang labanan ay sumiklab sa mga unang bahagi ng buwang ito, makalipas ang ilang linggo nang tensiyon sa Jerusalem, kaugnay ng planong pagpapalayas sa mga Palestino mula sa kanilang mga tahanan sa east Jerusalem upang bigyang daan ang Jewish settlers, at mga labanan sa Al-Aqsa mosque compound.
Ayon sa diplomatic sources, dalawang Egyptian delegations ang ipadadala sa Tel Aviv at sa Palestinian territories para i-monitor ang pamamaraan at pagpapatupad nila sa tigil-putukan, upang permanenteng mapanatili ang matatag na kondisyon.
Sinabi ni United Nations (UN) chief Antonio Gutierres, na malugod ding tinanggap ang kasunduan, na ang Israel at Palestinians ay may responsibilidad ngayon na magkaroon ng seryosong dayalogo para tugunan ang mga naging ugat ng hidwaan.
Nanawagan din siya sa international community na makipagtulungan sa UN, sa pamamagitan ng matatag na suporta para maging mabilis at tuloy-tuloy ang muling pagbangon at recovery.
Malugod ding tinanggap ng Britanya ang tigil-putukan, kung saan sinabi ni UK Foreign Secretary Dominic Raab na . . . “All sides must work to make the ceasefire durable and end the unacceptable cycle of violence.’
@ Agence France-Presse