Higit 244,000 mga bakuna kontra Covid-19, naipamahagi na sa Maynila
Tuluy-tuloy ang mass vaccination kontra Covid-19 sa Lungsod ng Maynila para sa mga nasa A1, A2 at A3 priority group.
Sa datos ng Manila Health Department hanggang nitong May 27, 2021, umaabot na sa 244, 122 ang mga bakunang naideploy sa lungsod.
Umaabot naman sa 171,822 ang mga residenteng naturukan na ng unang dose habang nasa 72,300 naman ang nakakumpleto na ng bakuna.
Samantala, ngayong araw, isinasagawa rin sa Maynila ang pagbabakuna sa mga atletang Pinoy.
Patuloy din ang panghihikayat ni Mayor Isko Moreno sa mga residente na magparehistro sa www.manilacovid19vaccine.ph para sa mas mabilis at episyenteng vaccination process.