IATF, inamyemdahan ang mapapabilang sa A4 Priority group para sa vaccination program
Inaprubahan ng Inter Agency Task Force (IATF) sa pinakahuling pulong ang mas pinasimpleng listahan ng A4 priority group para sa COVID 19 Immunization Program.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, mapapabilang sa A4 priority group ang mga nasa private sector workers na kinakailangang physically present sa kanilang designated workplace o sa labas ng kanilang mga tahanan, government employees kasama ang mga kawani ng government-owned and controlled corporations at local government units, gayundin ang mga informal sector workers, self-employed at private households.
Sinabi ni Roque na kabilang din sa inaprubahan ng IATF ay ang initial vaccine deployment para sa A4 priority group workers sa National Capital Region, Bulacan, Pampanga, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Metro Cebu, at Metro Davao.
Inihayag ni Roque magsisimulang bakunahan ang mga nasa A4 priority group sa unang linggo ng papasok na buwan ng Hunyo.
Vic Somintac