Biyahe ng mga Saudi-bound OFW, tuloy na matapos bawiin ang temporary deployment ban
Tuloy na ang biyahe ng mga Overseas Filipino Worker na patungong Saudi Arabia.
Ito’y matapos bawiin ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang temporary deployment ban sa nasabing bansa.
Sinabi ni Labor secretary Silvestre Bello III na nakatanggap siya ng kumpirmasyon mula sa Saudi government na sasagutin na ng mga employer ang gastusin ng OFW para sa institutional quarantine requirements pagdating sa nasabing bansa.
Sa inilabas na pahayag ng Philippine Airlines, sa mga nastranded na OFW na may flights sa Damman ay Riyadh ay maaari nang mairebook ang kanilang flights na walang service fee.
Maaaring makipag-ugnayan ang mga apektadong pasahero sa PAL Reservations at +63 8855 8888 para sa rebooking.